Sin Tax Reform Bill, sinertipikahang urgent ni PRRD

Manila, Philippines – Sinertipikan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent measure ang Senate Bill no. 1074 o ang panukalang batas na target taasan ang excise tax o buwis sa mga nakalalasing na inumin, mga sigarilyo at vapor products.

Sa liham ni Pangulong Duterte kay Senate President Tito Sotto III na ipinadala ngayong araw, sinabi niyang ito ay para sa pagtataas ng kita ng gobyerno para sa pagpapatupad ng Universal Health Care Act.

Pinadalhan din ng kopya sina Speaker Alan Peter Cayetano at Secretary Adelino Sitoy ang pinuno ng Presidential Legislative Liaison Office.


Layon ng panukalang batas na punan ang P59.1-billion funding gap para sa universal health care base narin sa datos Department of Finance (DOF).

Matatandaan nitong Hulyo nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang R.A 11346 na naglalayong dagdagan ang buwis sa sigarilyo at magpataw na rin ng tax sa e-cigarettes.

Sa naturang batas magiging 45 pesos na ang kada pakete ng sigarilyo mula sa kasalukuyang 35 pesos. Sa ilalim din ng Republic Act number 11346, papatawan na rin ng dagdag buwis ang e-cigarettes.

Gagamitin ang buwis na malilikom para sa pondohan ang implementasyon ng Universal Health Care Law.

Facebook Comments