Amerika – Sinabon sa pagdinig ng US Congress si Facebook Founder Mark Zuckerberg matapos ang nangyaring data breach sa higit 80 milyong users ng British consultancy firm na Cambridge Analytica.
Sa kanyang opening remarks, inamin ni Zuckerberg na may pagkukulang sila sa nangyari.
Ayon kay Senator Richard Blumenthal, ilang beses na niyang narinig ang pag-sorry ni Zuckerberg at hindi ito ang unang beses na nangyari dahil nagkaroon na ng privacy issues mula pa noong 2006, 2007 at 2011.
Sinabi naman ni Sen. Lindsey Graham, tila ‘malambot’ si Zuckerberg pagdating sa pagpapatupad ng regulasyon.
Ginisan naman ni Senator Ted Cruz si Zuckerberg kung mayroong political bias ang Facebook.
Iginiit naman ni Senator Chris Sons kay Zuckerberg na dapat gampanan ng FB ang trabaho na protektahan ang mga users sa mga pekeng accounts.