Misamis Oriental – Nagpapagaling na sa hospital ang 30 barangay officials ng bayan ng Claveria matapos ma-food poison habang nasa seminar ng Department of Interior and Local Governmen (DILG) sa isang resort sa bayan ng Initao, Misamis Oriental.
Reklamo ng mga barangay officials, nakaranas sila ng pananakit ng tiyan, pagtatae at pagsusuka sa ikalawang araw ng kanilang seminar.
Hinala ni Barangay Kagawad Christina Isidro, hindi na sariwa ang inihain sa kanilang pritong hipon na inihanda ng resort.
Pero giit ng resort manager na si Evelyn Tumapon, malinis at sariwa ang kanilang inihandang pagkain.
Hindi rin sila naniniwala na food poisoning ito dahil hindi lahat ng mga lumahok ay nagkasakit.
Nabatid na sa higit dalawang daan na barangay officials na lumahok sa seminar, 30 lang ang na-hospital.
Kumuha na ng food sample ang sanitary inspector ng Initao para masuri ang mga pagkain na sinerve sa mga bisita ng resort.
Nagpaabot na rin ng tulong ang resort sa mga pangangailangan ng mga pasyente sa ospital.