SINAGOT | Mga umiismol sa kakayahan ni Senador Sotto para pamunuan ang senado, sinagot ni Senador Lacson

Manila, Philippines – Ayon kay Senador Panfilo Ping Lacson, pinakamadali talagang gawin ng tao ang manlait, at mang-insulto.

Kaya naman giit ni Lacson, kwalipikado at kayang kaya ni Senate Majority Leader Tito Sotto III na pamunuan ang senado kapalit ni Senate President Koko Pimentel.

Unang una, ayon kay Lacson, si Sotto ang pinaka-senior sa lahat ng mga senador, hindi sa edad, kundi sa pagiging pinakatamatagal ng senador.


Bunsod nito ay hindi aniya matatawaran ang karanasan ni Sotto bilang senador.

Pangalawa, sinabi ni Lacson, na nakita nila bilang Unifying Factor si Sotto maski sa minority, dahil maganda ang pakikitungo nito sa lahat at inaasahang mas magiging harmonious ang buong Senado kapag ito na ang namuno.

Diin pa ni Lacson, napakatagal na sa public service ni Sotto kaya huwag sana tawaran ang kakayahan nito.

Sa ngayon ay 15 na ang senador na kasapi na mayorya na nakapirma sa senate relusyon na sumusuporta kay Sotto para maging senate president.

Facebook Comments