SINAMPAHAN | Lapeña, kinasuhan ng NBI sa DOJ kaugnay ng pagkawala ng 105 containers sa Port of Manila

Manila, Philippines – Sinampahan ng NBI sa DOJ ng graft at administrative complaints si dating Customs Commissioner Isidro Lapeña, at iba pa.

Kaugnay ito ng pagkawala ng isang daan at limang containers sa Port of Manila nitong March.

Ayon kay NBI Spokesman Atty. Ferdinand Lavin, dawit din sa reklamo ang iba pang mga tauhan ng customs na may kinalaman sa kontrobersya.


Nakasaad sa reklamo na nilabag nila Lapena ang section 3 ng Republic Act no. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Magugunitang sa mahigit 100 containers na nawawala, walumput lima dito ay natagpuan na ng Bureau of Customs sa Meycuayan, Bulacan.

Una na ring iginiit ni Lapeña na hindi droga mula sa China ang laman ng container van kundi pawang mga porselana lamang.

Facebook Comments