SINAMPAHAN | Suspected drug lord na si Peter Go Lim, kinasuhan na ng DOJ sa korte

Manila, Philippines – Sinampahan ng DOJ ng panibagong kasong conspiracy to commit illegal drug trading si Kerwin Espinosa.

Si Espinosa kasama ni Peter Go Lim sa sinampahan ng DOJ sa Makati City RTC ng dalawang counts ng paglabag sa Section 26 (B) ng Republic Act 9165.

Ayon sa DOJ panel of prosecutors , ang kaso ay kaugnay ng naganap na mga transaksyon ng iligal na droga sa Cash and Carry sa Makati City kung saan si Lim ang supplier ng droga habang si Espinosa ang distributor.


Bukod kina Lim at Espinosa, kinasuhan din ng DOJ ang testigong si Marcelo Adorco at Ruel Malindangan.

Base sa testimonya ni Adorco, nagsimula ang transaksyon nina Lim at Espinosa noong 2012 hanggang 2015 at nangyari ang lahat ng drug transaction sa Cash and Carry.

Si Espinosa ay una na ring kinasuhan ng conspiracy to commit illegal drug trading sa Makati Court kasama naman sina Peter Co, Lovely Impal at Ruel Malindangan.

Facebook Comments