Manila, Philippines – Sang-ayon si House Speaker Pantaleon Alvarez na
magtakda ng educational requirement sa mga pulitikong tatakbo sa
pagka-senador o kongresista.
Ayon kay Alvarez – nararapat ang pagsusulong sa napapanahong panukala upang
maihabol pa sa binabalangkas na bagong saligang batas.
Iminungkahi rin ng kongresista na magkaroon din muna ng civil service
eligibility mula sa Civil Service Commission ang mga nagnanais tumakbo at
maging bahagi ng lehislatura.
Ipinunto ni Alvarez ang pagkakaroon ng eligibility ng mismong staff nilang
mga mambabatas, kung kaya wala umanong dahilan para ang mag magnanais na
pumalit sa kanilang tungkulin sa gobyerno ay magkaroon din ng parehong
requirement.
Sakaling masunod ang panukala, natitiyak ng lider ng Mababang Kapulungan na
matatawag ng kwalipikado, may kakahayahan at sapat na kaalaman na ang mga
mauupo sa kongreso.