PROBLEMA LANG SA LIPUNAN| Pagbubuntis ng mga babaeng rebelde, nagpapalala ng problema – P-Duterte

Manila, Philippines – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang
karapatang magbuntis ang mga babaeng miyembro ng New People’s Army.

Paliwanag ni Pangulong Duterte – magiging problema lamang ng lipunan ang
mga ipapanganak ng mga rebelde, kaya marapat lamang na huwag na silang
magbuntis.

Samantala, naniniwala naman si defense Secretary Delfin Lorenzana na wala
nang saysay ang apatnapu’t siyam na taong pakikipaglaban ng NPA sa
pamahalaan.


Kaya naman muling nanawagan si Lorenzana sa mga NPA na ibaba na ang
kanilang mga armas at makipagtulungan na sa pamahalaan sa pagsulong ng
kapayapaan.

Facebook Comments