“Justice is finally served”, ito ang pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar matapos na hatulan ng korte ng reclusion perpetua o mahigit 40 taong pagkakakulong ang dating pulis na si Jonel Nuezca.
Ito ay dahil sa kaniyang karumal-dumal na pagpatay sa mag-ina sa Tarlac noong December 20, 2020.
Ayon kay PNP chief, naipakita sa kasong ito na umiiral ang hustisya sa bansa at kailanman ay hindi kinukunsinti ng PNP ang mga tiwaling pulis sa kanilang hanay.
Panawagan naman ni PNP chief sa lahat ng pulis na sana ay maging leksyon ang nangyaring ito kay Nuezca para maipaalala na ang pulis ay dapat na magprotekta sa mga Pilipino at hindi ilagay sa kapahamakan ang taumbayan.
Sa ngayon, hinihintay rin ng PNP ang desisyon ng korte sa pagkakapatay naman ng isa pang pulis sa Quezon City na si Hensie Zinampan sa 52-anyos na ginang na si Lilybeth Valdez.