Sinapit ng Napatay na Pinuno ng NPA sa Region 2, Naipaabot na sa Pamilya

Cauayan City, Isabela- Naipaabot na sa pamilya ang sinapit ng napatay na pinuno ng Regional Sentro De Gravidad (RSDG) na si Rosalio V. Canlubas o mas kilala sa tawag na Ka Yuni na tubong Calinan, Davao City.

Natunton ang bangkay ni Ka Yuni sa barangay Dingading, San Guillermo na inihukay lamang ng kanyang mga kasamahan matapos masawi sa pakikipagsagupa sa tropa ng 86th Infantry Battalion sa barangay San Mariano Sur, San Guillermo, Isabela noong ika-15 ng Marso taong kasalukuyan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Army Major Jekyll Dulawan, pinuno ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5ID, kanyang sinabi na nakipag-ugnayan na ang pamilya ni Ka Yuni sa PNP upang maiuwi na ang bangkay nito sa kanilang tahanan sa Davao City para malamayan at mailibing ng maayos.


Nakikiramay naman ang pamunuan ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa naulilang pamilya at kaanak ni Ka Yuni.

Si Ka Yuni ay galing sa Mindanao at ipinadala umano ng kanilang grupo sa Region 2 upang buhayin ang grupo at buuin ang Front committee sa Nueva Vizcaya-Quirino.

Facebook Comments