Sinasabing bigtime rice smuggler David Tan, muling kinasuhan ng NBI sa DOJ

Manila, Philippines – Iniimbestigahang muli ng Department of Justice ang reklamo laban sa hinihinalang bigtime rice smuggler Davidson Bangayan alyas David Tan.

Ito ay matapos na muling ihain ng National Bureau of Investigation ang patong-patong na kasong kriminal laban kay Bangayan.

Kabilang sa mga kasong inihain ng NBI ay : monopolies and combinations in restraint of trade o paglabag sa ng Article 186 ng Revised Penal Code; bid fixing o paglabag sa Section 65 ng Republic Act 9184 o Government Procurement Act; paggamit ng hindi tunay na pangalan o paglabag sa Article 178 ng Revised Penal Code.


Ayon sa NBI, nakipagsabwatan si Bangayan sa mahigit sampung iba pang respondents para makontrol ang suplay at distribusyon ng bigas sa bansa sa pamamagitan ng pagrecruit sa mga kooperatiba ng mga magsasaka

Bukas ang preliminary investigation at pagsusumite ng counter-affidavit ng mga respondents.

Facebook Comments