Manila, Philippines – Naaalarma ang Bureau of Immigration (BI) sa dumaraming bilang ng underaged Filipinas na nais magtrabaho abroad na gumagamit ng pekeng travel documents.
Ayon kay BI Deputy Commissioner and Port Operations Division (POD) Chief Marc Red Mariñas, mula nitong Hunyo, aabot na sa 114 na babae ang hindi pinayagang bumiyahe sa NAIA dahil sa pagsasabing sila ay adults.
Ani Mariñas, ang mga dinampot na pasahero ay nagpapakita ng mga pasaporte, overseas employment permits, working visas at job contracts para patunayang sila ay adult.
Patunay aniya na biktima ang mga ito ng sindikato na magaling sa paggawa ng mga dokumento para palabasin na nasa wastong edad ang pasahero para makapagtrabaho abroad.
Facebook Comments