Manila, Philippines – Nanawagan ang grupo ng United Vendors Alliance Assembly kay Manila Mayor Joseph Estrada na paimbistigahan ang sindikato sa loob Quinta Market.
Ayon kay United Vendor Alliance Assembly Spokesperson Jerome Pagunsan nagkaroon ng monopolyo sa pagitan ng namumuno sa organisasyon sa loob na pinaburan pa umano ng ilang mga konsehal ng Maynila kaya ang mga lehitimong vendors na na dapat umukupa ay hindi pinapapasok sa loob.
Partikular na tinukoy ni Pagusan ang mga Konsehal na kasabwat ng mga vendors sina Konsehal Bernie Ang, Letlet Zarcal, Re fuguso at Konsel Chua.
Una ng hiniling ng grupo na isulong ang Magna Carta for vendors para magiging lehitimo ang karapatan ng mga manininda sa paghahanapbuhay ay kinakailangan ay magkaroon ng isang batas o kasunduan na kikilala sa karapatan ng mga vendor na magtataguyod ng mga maka-mamamayang probisyon sa pamamagitan ng konsultasyon sa ibat ibang samahan.
Nangako naman si Estrada na paiimbestigahan niya ang isiniwalat ng samahan ng mga vendor at tinitiyak na managot ang sinumang mapapatunayang sangkot dito.