SINEHAN | Ban sa movie theaters, inalis na sa Saudi Arabia

Saudi Arabia – Matapos ang 35 taon, aalisin na ng Saudi Arabia ang ban sa movie theaters.

Ayon sa Ministry of Culture and Information sa Saudi Arabia, sa March 2018, iisyuhan na ng lisensya ang mga sinehan para makapag-operate.

Hindi naman nilinaw kung anong movie genres ang pwedeng ipalabas sa mga sinehan at kung papayagang magtabi sa upuan ang mga lalaki at babae.


Sa ilalim ng pamamahala ni Crown Prince Mohammed Bin Salman, unti-unting pinaluwag ang mga pagbabawal sa Saudi Arabia.

Kamakailan lang nang payagang makapagmaneho sa bansa ang mga babae at sa susunod na taon, papayagan na rin silang makapasok sa mga biggest sporting venues sa Saudi.

Facebook Comments