Sinehan, puwede muling isara kung magpapatuloy ang surge ng COVID-19 cases NCR mayors

Maaaring ipasara ang mga lokal na sinehan sa Metro Manila kung magpapatuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benhur Abalos, nakatakdang maglabas ng resolusyon ang Metro Manila Council (MMC) na pansamantalang magsususpinde sa operasyon ng mga nasabing establisyimento dahil sa nakakaalarmang pagtaas ng COVID-19 cases.

Bagama’t walang detalye hinggil sa direktiba, sinabi ni Abalos na magiging temporary lamang ito at ang mga susunod na hakbang ay nakadepende sa positive cases.


Nabatid na pinayagan na muling mag-operate ang mga sinehan muna nitong March 5 sa ilalim ng 25% capacity.

Facebook Comments