Singapore, nagbigay ng tulong sa biktima ng gyera sa Marawi City

Manila, Philippines – Nagpaabot na ng tulong ang Singapore sa mga residenteng apektado ng giyera sa Marawi City.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. Genereal Restituto Padilla, isang Singaporean air force C130 ang lumapag sa Lagindingan Airport kahapon sa Cagayan de Oro.

Itinurn over ng Singapore ang mga relief goods sa Natl. Disaster Risk Reduction and Management Council.


Sinabi naman ni NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, laman ng relief goods ang mga tents, kumot gamot, , drinking water, dynamo lights, food packs, and water filtration units.

Nagkakahalaga aniya ang donasyon ng SGD 93,944 nagpahayag naman daw ang Singapore government na posibleng may susunod pang relief operation pa silang gagawin para sa mga biktima ng giyera sa Marawi City.

Facebook Comments