Singapore, natanggap na ang unang batch ng COVID-19 vaccines mula sa Sinovac

Natanggap na ng singapore ang unang batch nila ng COVID-19 vaccine mula sa Sinovac.

Ito ang kinumpirma ng kanilang health ministry kahit na hinihintay pa ang approval nito para magamit ng publiko.

Pero bago ang Sinovac ay una nang inaprubahan ng Singapore ang mga bakuna mula sa Pfizer-BioNtech at Moderna.


Kasama ng Singapore ang China, Brazil, Indonesia at thailand sa mga bansang gagamit ng Sinovac vaccine.

Samantala, sa ngayon ay nasa halos 60,000 na ang COVID-19 cases sa nasabing bansa kung saan 29 lamang dito ang nasawi dahil sa virus.

Facebook Comments