Walang pagtaas sa singil ng kuryente mula sa Cotabato Light and Power Company bagkus may discount pa silang ibinibigay.
Ito ang paglilinaw ng Colight kasabay ng mga kaliwat kanang reklamo ng mga consumers sa panahon ng krisis na dulot ng Corona Virus Disease sa panayam ng DXMY kay Arlene Hepiga , Reputation Enhancement Supervisor ng Cotabato Light.
Maaring tumaas ang consumption ng marami dahil na rin karamihan ngayon ay nakahome quarantine at gamit na gamit ang kuryente lalo na ang mga may appliances kabilang na ang aircon, ref, tv, electric fan maging ang pag change ng mga cellphone .
Iginiit rin ng Colight na malaking factor din ang hindi pag unplug sa mga hindi ginagamit na mga appliances.
Sinasabing nanatiling nasa 8 pesos parin per kilowatts ang singilan ng Colight sa kanilang mga consumers, lalo na ngayong panahon ng ECQ at discounted pa dahil di na sila naniningil sa mga surcharges.
Samantala, epektibo Mayo 11, lunes magsisimula ang gagawing disconnection sa mga consumers na hindi nakapagbayad ng dalawang buwan.
Maari naman aniyang magbayad sa tanggapan ng Colight maging sa kanilang mga partners katulad ng mga money remittances center sa syudad maging sa Sultan Kudarat at Datu Odin Sinsuat Maguindanao
Pic from FB Page of Cotabato Light
Singil ng Kuryente sa Cotabato City hindi tumaas!- Cotabato Light
Facebook Comments