5 Wanted sa Batas, Huli sa Magkakahiwalay na Operasyon!

Cauayan City, Isabela- Arestado ang 5 katao sa pinaigting na kampanya ng kapulisan sa ilalim ng Oplan Manhunt Charlie sa Cagayan Valley.

Kinilala ang mga akusado na si Johnfrey Cabantac, 37-anyos, Top 2 Municipal Level, isang Laborer na residente ng Brgy. Dagupan, San Mateo, Isabela at nahaharap sa kasong Frustrated Murder matapos magpalabas ng warrant of arrest si hukom Ariel Palce ng RTC Br. 40 Cauayan City.

Maliban dito, naaresto din ang iba pa na kinilalang sina Melita Addun, 53-anyos, beautician at residente ng Brgy. Linao West; Jomar Clemente, 46-anyos, may asawa, isang driver at residente ng Brgy. Atulayan Norte, Tuguegarao City na kapwa nahaharap sa kasong Estafa habang kinilala naman ang suspek na si Joel Cabalza, 48-anyos, may asawa, isang Merchandiser at residente ng Brgy. Atulayan Norte sa nasabing lungsod at may kinakaharap na kasong Usurpation of Authority o Official Function at si Richard Ordoñez, nasa hustong edad at residente ng Brgy. Bonfal West, Bayombong, Nueva Vizcaya at nahaharap sa kasong Robbery.


Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng pulisya ang mga nasabing akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments