Bahagyang tataas ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong Hulyo.
Sa abiso, tataas ng P0.235 kada kilowatt hour (kwh) ang singil bunsod ng pagsipa ng presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Katumbas ito ng dagdag-singil na P47 para sa mga komukonsumo ng 200kwh kada buwan; P70 sa kada 300kwh; P94 sa kada 400 kwh at P117 sa kada 500kwh.
Ito na ang ika-apat na sunod na buwang nagtaas ng singil sa kuryente ang Meralco.
Facebook Comments