Singil ng Meralco sa system loss at renewable energy, bubusisiin ng Kamara

Manila, Philippines – Agad na pinakikilos ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers ang House Committee on Energy para imbestigahan ang ipinapataw na singil kada buwan na system loss at renewable energy ng Meralco.

Inihain ng kongresista ang House Resolution 228 na humihiling na magsagawa ng congressional inquiry upang malaman kung ano ang batayan ng Meralco sa paniningil ng system loss at renewable energy sa mga consumers.

Layunin ng imbestigasyon na solusyunan ang matagal ng problema sa mataas na singil sa kuryente bunsod ng maraming patong na singil ng mga electric firms.


Umalma din si Barbers sa hindi pagbibigay solusyon at pagbubulag-bulagan ng Meralco sa laganap at iligal na power connections habang ang mga matitinong consumers ang sumasalo ng dagdag na bayarin.

Tutol din ang mambabatas sa renewable energy charges na aniya’y basta na lamang idinagdag ng Meralco sa monthly bill ng publiko na wala namang kaukulang paliwanag, malinaw na impormasyon at sapat na abiso sa mga consumers.

Facebook Comments