Sasailalim sa dalawang linggong maintenance shutdown ang Malampaya natural gas facility sa Pebrero ng susunod na taon.
Ayon kay Department of Energy (DOE) Secretary Raphael Lotilla, ang nakatakdang maintenance shutdown sa Pebrero 4 hanggang 18 ay bilang paghahanda sa tag-init.
Dahil dito, asahan na aniya ang mga implikasyon ng maintenance shutdown sa singil sa kuryente ng mga consumer sa Luzon.
Ang ilang power plant kasi aniya na tumatakbo sa pamamagitan ng natural gas mula sa Malampaya ay kailangang gumamit ng mamahaling liquid condensates at iba pang panggatong para makagawa ng kuryente.
Sa kabila nito, tiniyak ni Energy Undersecretary Rowena Guevarra na ang DOE ay nakikipagtulungan sa lahat ng kinauukulang ahensya para sa ilang contingency measures para matiyak ang tuluy-tuloy na supply ng kuryente sa Pebrero.