Singil sa kuryente, nakaambang tumaas sa susunod na linggo

Posibleng tumaas na naman ang singil sa kuryente sa susunod na linggo.

Ito ay kung aaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang kahilingan ng San Miguel Corporation, isa sa suppliers ng Meralco, na karagdagang mga planta dahil sa mataas na presyo ng mga panggatong na coal at natural gas.

Ayon kay ERC Commissioner Rexie Baldo-Digal, masusi nilang pag-aaralan ang nasabing kahiligan kung saan babalansehin nila ang kapakanan ng negosyo at mga konsyumer.


Batay kasi sa San Miguel Corporation ay aabot sa $65 per metric tons lang ang presyo ng coal na nakabatay sa kanilang kontrata, pero lumobo na ito sa mahigit $400 per metric tons.

Ayon pa sa San Miguel, nasa mahigit P10 bilyon na ang lugi nila, ngunit P5.2 bilyon lamang ang nais nilang maibalik mula Enero hanggang Mayo na katumbas ng dadag-singil na 28 centavos per kilowatt hour sa loob na anim na buwan.

Facebook Comments