Singil sa kuryente ng Meralco, posibleng tumaas sa susunod na buwan

Posibleng tumaas ang singil sa kuryente sa susunod na buwan.

Ito ang babala ng Manila Electric Company (MERALCO) kasunod ng ipinataw na Temporary Restraining Order (TRO) ng Court of Appeals, sa Power Supply Agreement (PSA) sa pagitan ng MERALCO at South Premier Power Corporation (SPPC).

Ayon kay MERALCO Spokesperson Joe Zaldarriaga, sinusuri pa nila ang inilabas na TRO at umaasa silang gagawa ng aksyon ang Department of Energy (DOE), para sa hirit nilang exemption sa competitive selection process sa ilang power generators sa ilalim ng Emergency Power Supply Agreement (EPSA).


Samantala, tiniyak naman ni Zaldarriaga na sapat ang suplay ng kuryente para sa kanilang mga consumer at mananatiling abot kaya ang ipatutupad nilang taas-singil sa kuryente.

Facebook Comments