PCG, tumulong na rin sa paglilinis sa mga kulungan sa Camp Bagong Diwa

Tumulong na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) sa paggalugad sa loob ng mga selda sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Katulong ng PCG K9 Force sa ginawang Oplan Linis Piitan ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ilang K9 units ang bitbit ng PCG sa paghalughog sa mga kulungan.


Kabilang sa mga na-recover ng mga awtoridad sa paglilinis sa mga piitan ang ilang mga matatalim na bagay tulad ng “improvised” na kutsilyo at iba pang ipinagbabawal na kontrabando.

Facebook Comments