8 katao sa Angadanan, Isabela, Arestado sa Sugal!

*Angadanan, Isabela-* Huli ang walong katao matapos maaktuhang naglalaro ng “Tong-its” bandang alas tres ngayong hapon sa Rancho Bassit, Angadanan, Isabela.

Kinilala ang mga nahuli na sina Ernesto Pagaduan, Carmen Ramil, Susan Milla, Vicente Siquian, Bessie Siquian, Belly Ramil, Gelacio Cabatero at Evelyn Cammayo na pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga nakatalagang pulis sa lugar ang walong indibidwal nang maaktuhang naglalaro ng ‘Tong-its’ kung saan nakumpiska sa mga ito ang mahigit limangdaang piso na bet money at tatlong set ng baraha.


Dinala na sa himpilan ng PNP Angadanan ang mga naaresto para s akanilang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments