
May pagtaas sa singil sa kuryente ngayong buwan ng Pebrero, ayon sa Manila Electric Company (Meralco).
Ayon sa Meralco, aabot sa 22 sentimo kada kilowatt-hour (kWh) ang itataas sa billing.
Bunsod ito ng pagtaas ng transmission at universal charges.
Ang mga kumokonsumo ng 200 kWh ay magkakaroon ng humigit-kumulang ₱45 na dagdag-singil, ₱67 naman para sa 300 kWh, ₱89 para sa 400 kWh, at ₱111 para sa 500 kWh na konsumo.
Facebook Comments










