CAUAYAN CITY- Nagkaroon ng bahagyang pagbaba sa singil sa kuryente ang Isabela Electric Cooperative-1 ngayong buwan ng Disyembre.
Ito ay matapos bumaba sa Php 0.6733/kWh ang generation mix mula sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM) and the Wholesale Electricity Spot Market (WESM) kung saan bumaba ang presyo ng PSALM mula Php 6.1086/kWh to Php 5.9518/kWh na nakaapekto sa kabuuang pagbaba ng singil sa kuryente ngayong buwan na ito.
Base sa inilabas na datos ng ISELCO-1, ang singil ngayong buwan sa residential consumer ay P8.7288/ KWH, P7. 8472/KWH sa low voltage consumer, at P6. 2125/KWH naman sa high voltage consumer.
Facebook Comments