Inanunsiyo ng PANELCO 1 na nakatakdang ipatupad ang One-Time Refund sa ating mga Member-Consumer-Owners (MCOs) na naging resulta ng Over-Recoveries o sobrang singil sa pass-through charges mula Enero hanggang Hulyo, sa kasalukuyang taon, na makikita ngayong September 2023 bill.
Ito ay alinsunod sa Resolution No. 14, s. of 2022 ng Energy Regulatory Commission (ERC), “A Resolution Adopting the Revised Rules Governing the Automatic Cost Adjustment and True-Up Mechanisms and Corresponding Confirmation Process for Distribution Utilities”.
Ang sinasabing Over Recovery ay ang presyo na ibabalik ng PANELCO 1 sa kanyang mga MCOs. Samantala, ang Under Recovery naman ay tumutukoy sa presyo na kokolektahin mula sa mga MCOs alinsunod sa mandato ng ERC.
Para sa mga Residential Consumers na kumokonsumo ng nasa 100 kWh, sila ay maaaring makatipid ng hanggang Php 518.36 sa kanilang September 2023 bill.
Muli, ito po ay ONE-TIME refund lamang na ipinatupad ngayong Billing Month ng Setyembre 2023. |ifmnews
Facebook Comments