Singil sa kuryente ngayong Mayo, tataas!

Magkakaroon ng kaunting pagtaas sa singil ng kuryente ngayong Mayo ang Manila Electric Company (Meralco) dahil sa pagtaas ng suplay nito mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Sa inilabas na abiso ng Meralco, tataas ng P0.18 kilowatt per hour(kWh) ang singil sa mga kabahayan dahilan kaya sasampa na sa P8.59/kWh ang kabayaran mula sa P8.41 /kWh nitong Abril.

Ang pagtaas ay katumbas ng P37 pesos na increase sa kabuuang bill ng mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kWh.


Nananatili namang pinakamababa ang naitalang increase na ito ng Meralco simula noong 2017.

Facebook Comments