Nagbabadya ang bawas-singil sa kuryente dahil sa tapyas na isinusulong ng National Transmission Corporation (TransCo).
Ito ay matapos maghain ang TransCo sa Energy Regulatory Commission (ERC) ng mosyon na bawasan ang feed-in-tariff allowance na ipinambabayad sa mga developer ng renewable energy gaya ng solar.
Ayon kay TransCo President Melvin Matibag, mula sa hirit na P0.27 ngayong taon, ibinababa ito ng TransCo sa P0.24 kada kilowatt hour o bawas na P0.03.
Facebook Comments