Isang sawa, nahuli sa QC

Quezon City – Isang mahabang sawa ang nahuli ng isang residente sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.

Ayon kay Diding Avila, magbabanyo ang kaniyang manugang nang makita na may daga sa inidoro.

Nang buhusan na ng tubig ang inidoro, biglang lumabas ang ahas na hindi bababa sa limang talampakan ang haba.


Nang gumagapang na ang sawa palabas ng inidoro, doon na ito sinunggaban para mahuli.

Nakatakda namang dalhing ang ahas sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Facebook Comments