MANILA – Nakatakdang bawasan ang singil sa kuryente sa buwan ng Marso na P0.4 kada Kilowatt Hour sa Transmission Charge ng lahat ng mga consumers sa bansa.Ayon sa tagapagsalita ng Energy Regulatory Commission (ERC) na si Atty. Rexie Baldoz-Digal – Kabilang ito sa mga binabayaran ng bawat isa na napupunta sa National Grid na namamahala naman sa lahat ng transmission line na dinadaluyan ng kuryente mula sa mga planta.Gayunman, hinihirit naman ng grupong National Association of Electricity Consumers for Reforms, Inc. (NASECORE) – ang masusing financial audit sa NGCP dahil posibleng mas lalo pang bumaba ang singil sa kuryente kung bubusisiin lang ng ERC ang libro ng NGCP.Giit ng NASECORE – Regulatory audit din ang hirit nila pati sa Manila Electric Company (Meralco) para lalo pang bumaba ang singil sa kuryente. (DZXL 558 – Aron Jay Estandarte)
Singil Sa Kuryente Sa Buong Bansa, Nakatakdang Tapyasin Sa Buwan Ng Marso Ayon Sa Energy Regulatory Commission
Facebook Comments