SINGIL SA KURYENTE SA DAGUPAN CITY NGAYONG HUNYO, BAHAGYANG BUMABA

Bahagyang bumaba ang singil sa kuryente sa Dagupan City at iba pang bayan na sakop ng Dagupan Electric Corporation ngayong Hunyo.

Ayon sa tanggapan, mula sa average selling rate ng kuryente na nasa P9.63/kWh noong Mayo, bumaba ito sa P9.45/kWh para sa mga residential consumers ngayong buwan dahilan umano ng bumabang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market at pagbaba ng generation cost.

Kinatigan naman ng ilang konsyumer ang tapyas sa singil at umaasa sa tuluyan pang pagbaba nito kada buwan.

Patuloy naman ang paalala ng tanggapan sa hindi atrasadong pagbabayad ng electricity bill buwan-buwan upang maiwasan ang abala dulot ng disconnection. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments