Wednesday, March 18, 2026

Singil sa pagkuha ng mga permit at dokumento sa gobyerno, pinarerepaso ni PBBM; paniningil ng graduation fees sa mga paaralan, bawal rin!

Pinarerepaso ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng ahensya ng pamahalaan ang mga patakaran sa pagkuha ng mga permit, lisensya, clearance, at certification.

Ayon sa pangulo, mahalagang mapag-aralang mabuti ang mga ito para matukoy kung ano ang puwedeng suspendihin o babaan ang singil.

Sa ganitong paraan aniya ay gagaan din ang gastos ng mamamayan.

Mahigpit ding ipinagbabawal ng pangulo ang paniningil ng anumang bayarin o kontribusyon sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan, lalo na ngayong panahon ng graduation.

Giit ng pangulo, kailangang maprotektahan din ang kapakanan ng mga mag-aaral sa gitna ng banta ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Facebook Comments