Manila, Philippines – Ipinatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga Transport Network Company (TNC) sa bansa kabilang ang bagong aprubang na Hype at Hirna.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, pinulong sila para pag-usapan ang kanilang mga singil sa pasahe.
Ayon kay Hype Chief Operating Officer Jennifer Silan, mga pribadong sasakyan ang kanilang katuwang.
Aniya, may P20 booking free ang Hype at kahit sa text message ay maaaring mag-book.
Ang Hirna na dati nang nag-operate sa Davao ay may P5 booking fee na babayaran ng operator.
Kabilang sa iba pang naghihintay na ma-accredit bilang TNVS ay ang Owto, Micab, At Go Lag.
Facebook Comments