Asahan na ang bawas sa singil sa tubig ang Maynilad at Manila Water sa Abril.
Ayon kay Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chief Regulator Patrick Ty, bunga ito ng mas mababang Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) sa second quarter ng 2019 o mula Abril hanggang Hunyo.
Aniya, ang FCDA ay pagbabago sa bayad bunsod ng palitan ng piso kontra dolyar at yen.
Para sa second quarter o susunod na tatlong buwan, nasa P0.07 kada cubic meter ang bawas sa FCDA ng Maynilad, habang P0.31 naman sa Manila Water.
Sabi pa ni Ty, kapag nagtuloy-tuloy umano ang paglakas ng piso hanggang Marso, posible ring magkaroon ng bawas sa FCDA sa third quarter o mula Hulyo hanggang Setyembre.
Facebook Comments