Manila, Philippines – Ibinabala ni Senator Leila De Lima ang pag-usbong ng ‘passengers-for-hire’ sa oras na ipagbawal ng Metro Manila Development Authority o MMDA sa EDSA ang mga behikulo na iisa lang ang nakasakay.
Nangangamba si De Lima na pagkakakitaan lang ito ng mga mapanamantala at magbibigay-peligro sa mga motorista na mapipilitang magsakay ng kahit na sino na hindi nila kakilala para lang makadaan sa EDSA.
Ikinatwiran pa ni De Lima na ang ganitong traffic scheme ay nasubukan na sa jakarta, indonesia pero hindi naging epektibo.
Nauna ng inihain ni De Lima ang Senate Bill 1905 o panukalang mag-aalis ng obstruction o mga istraktura sa mga sidewalks na nakakapagpalala ng problema sa trapiko at delikado pa sa kaligtasan ng publiko.
Facebook Comments