Pinuri ng Land Transportation Office (LTO) ang Metro Manila Council (MMC) sa pagpasa nito ng Single Ticketing Policy sa National Capital Region (NCR) para sa mga motorista na lumalabag sa trapiko.
Sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Jose Arturo “Jay Art” Tugade, natutuwa siya dahil sa wakas ay nagka-isa ang lahat ng NCR Mayor’s para sa single ticketing scheme.
Sa ilalim ng polisiyang ito, magkakapareho na ang mga violations at multa sa lahat ng syudad bago ito itatala sa Land Transportation Management System database ng ahensya.
Matutunton na rin ng LTO kung karapat-dapat bang payagan na magmaneho ang isang driver bago ito makapag-renew ng lisensya.
Facebook Comments