SINGLE-USE-PLASTICS, KINUMPISKA SA ILANG ESTABLISIMYENTO SA LA UNION

Pinagtibay ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union ang kampanya para sa Plastic-Free na lalawigan sa pamamagitan ng kumpiskasyon at pagbabawal sa Single-Use-Plastics sa piling lugar sa lalawigan.

Isinagawa ang hakbang sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Bauang at Lungsod ng San Fernando, La Union.

Kabilang sa mga lugar na nilagyan ng Plastic Code at sinuri ang mga establisyimento ay ang isang shopping mall sa La Union, piling negosyo sa San Fernando, at Bauang Public Market.

Karamihan sa nakumpiskang kagamitan ay sando bags, plastic spoons, forks, at plastic labo bags, na ipinagbabawal alinsunod sa lokal na patakaran.

Ang pagpapatupad ng kampanya ay isinagawa nang may tamang proseso at diin sa impormasyon, edukasyon, at kooperasyon upang masiguro ang pagsunod sa regulasyon sa kapaligiran.

Facebook Comments