Sinibak na pinuno ng FDA nakahandang harapin ang anumang imbestigasyon na isasagawa laban sa kanya

Nanindigan ang sinibak na pinuno ng Food and Drug Administration na si Nela Charade Puno na malinis ang kanyang konsensya.

 

Kasunod ito ng pagsibak sa kanya sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte nang dahil sa umano’y korapsyon.

 

Sa inilabas na statement ni Puno, inihayag nito na wala siyang alam sa sinasabing katiwalian at wala syang alam sa pamumulitika.


 

Katunayan wala aniya siyang mga kinakaharap na kaso sa anumang korte.

 

Inihayag pa ni Puno na nakahanda syang humarap sa anumang isasagawang imbestigasyon.

 

Kahapon, nang matanggap niya ang letter of termination mula sa Malakanyang, nagpapasalamat pa rin siya sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng pangulo para pamunuan ang FDA.

 

Si Puno ay itinalaga sa ahensya noong 2016 at hahalili muna bilang pinuno ng FDA si Health Usec. Enrique Domingo.

Facebook Comments