Manila, Philippines – Pag aaralan pa ng Philippine Drug Enforcement Agency, Department of Education, DSWD at Dangerous Drugs Board ang lalamanin ng implementing rules ng mandatory drug test sa mga estudyante mula Elementary hanggang High school sa pribado pampubliko.
Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na ipauubaya nila sa Department of Education ang pagkumbinsi sa mga magulang na payagan na maisailalim ang kanilang anak sa drug testing.
Mga mag aaral na nasa Grade 4 pataas ang iminumungkahing masakupan ng mandatory drug testing.
Sorpresa ang gagawing drug testing na may partisipasyon ng mga nabanggit na ahensya.
Tiniyak niya na mapapangalagaan ang confidentiality ng mga estudyante na magpopositibo sa drug test.
Hindi pa naman malinaw kung magkano ang budget at kung aling ahensya ang babalikat sa gastusin ng naturang hakbangin.