SINIGURADO | PNP, tiniyak na magiging patas sa pagpapatupad ng batas laban sa mga nasa narcolist ng PDEA

Manila, Philippines – Tiniyak ng Pamunuan ng Philippine National Police na magiging patas sila sa ipatutupad na law enforcement operation laban sa mga personalidad na nasa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA) na sangkot sa iligal na droga.

Ito ay matapos na ihayag ng PDEA na may mga miyembro ng media na kabilang sa Narcolist.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Senior Supt Benigno Bong Durana walang pinipili ang batas kahit sino at ano ang katayuan sa buhay ng isang drug suspek ay paiiralin ng PNP ang batas.


Sinabi pa ni Durana na sa makikipa-ugnayan pa sila sa PDEA upang matukoy ang mga nasa Narcolist.

Tiniyak naman ng opisyal na ang narcolist ay dumaan sa validation ng mga intelligence unit ng gobyerno.
Sa ngayon aniya anumang law enforcement operations ang kanilang gagawin laban sa mga nasa narcolist ay ipapaalam nila ito sa PDEA.

Facebook Comments