Manila, Philippines – Siniguro rin ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na ipatutupad nila ang pagaresto kina National Democratic Front chief negotiator Fidel Agcaoili at NDF senior adviser Luis Jalandoni.
Ito ay kung mayroong existing warrant of arest laban sa mga ito.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col Noel Detoyato bilang law enforcement agency mandato nilang arestuhin ang sinumang pinaghahanap ng batas at ang mga may kinakaharap ng warrant of arrest.
Ngayong buwan kasi ay nakatakdang dumating sa bansa mula sa Norway si NDF senior adviser Jalandoni at NDF chief negotiator Agcaoili
Sinabi pa ni Detoyato lahat ng inisyatibo ng gobyerno na may kinalaman sa usapang pang kapayapaan ay suporta ito ng AFP.
Una nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang speech sa Palawan na nais raw syang makausap nina Agcaoili at Jalandoni
Pero takot ang mga itong arestuhin sila pagdating sa bansa.