SINIGURO | DOJ, tiniyak ang pagbaba ng hatol sa Maguindanao massacre case sa susunod na taon

Manila, Philippines – Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa pamilya ng mga biktima ng Maguindanao Massacre na tatapusin na nila hanggang sa Disyembre ang paglalatag ng mga ebidensya laban sa lahat ng mga akusado sa kaso.

Umaasa ang kalihim na sa susunod na taon ay maibababa na ng korte ang hatol sa mga nakakulong na akusado.

Ayon pa kay Guevarra, hindi na kailangan pang hilingin kay Quezon City RTC branch 221 Judge Jocelyn Solis Reyes ang partial promulgation.


Partikular aniya ang isinusulong ng National Press Club at ng Task Force on Media Killings.

Facebook Comments