Sunog Sa Mount Pulag!

Benguet, Philippines – Kasalukyang nagsasagawa ang Department of Environment and Natural Resources o DENR ng assessment sa pangkalahatang pinsala sa naganap na tatlong araw na forest fire sa Akiki Trail ng Mount Pulag sa Kabayan, Benguet.

Ayon kay Superintendent Victor Gorinto ng Mount Pulag National Park Protected Area ay nahirapan umanong makarating sa area ang mga tauhan na nagsagawa ng ocular inspection kung saan ay lumalabas na aabot sa halos limang ektarya ang napinsala

Matatandaang isinara ang nasabing Bundok sa mga hikers noong nakaraang Enero dahil rin sa sunog sanhi ng portable butane gas stove ng ilang hiker.


Facebook Comments