Manila, Philippines – Tiniyak ng National Food Authority na may sapat na suplay ng bigas sa mga lugar sa Visayas, Bicol Region, Southern Luzon at Northern Mindanao na apektado ni bagyong Samuel.
Ayon kay OIC Administrator Tomas Escarez, inabisuhan na niya ang mga NFA offices sa mga lugar na dadaanan ng bagyo na tiyaking protektado ang kanilang mga imbak na bigas bilang paghahanda sa agarang relief operations.
Abot sa 1.4 million bags ng bigas ang naka pre positioned na na sa ibat ibang warehouses sa Regions 4-8, Region 10 at CARAGA.
Binuhay na rin ng NFA ang kanilang field offices 24/7 para imonitor ang epekto ng pananalasa ni bagyong Samuel.
Bagamat humina si bagyong Samuel ,inaasahan pa rin ng PAGASA ang katamtaman at malakas na pag ulan na magdudulot ng pagbaha at landslide sa Western Visayas, Bicol, MIMAROPA, at sa southern part ng Quezon.