PA-PLANTSAHIN | BuCor Dir. Faeldon at Justice Sec. Guevarra, muling magpupulong sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Matapos ang oath taking ni Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon, muli silang magpupulong sa susunod na linggo ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

Ito ay para plantsahin ang mga hakbanging ipatutupad sa New Bilibid Prisons kasabay ng pormal na panunungkulan ni Faeldon.

Sa susunod na linggo ang pormal na turn over o pormal na pagsalin ng kapangyarihan kay Faeldon.


Sa paunang pagpupulong nila kanina ni Sec. Guevarra, kabilang sa mga problemang natalakay ang drug trade sa NBP, ang masikip na piitan at ang posibleng paglipat sa ilang pasilidad ng BuCor.

Facebook Comments