Manila, Philippines – Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na sapat ang suplay ng bigas sa bansa sa pasko hanggang sa katapusan ng taon.
Sa isang panayam, sinabi ni NFA Region-11 Regional Manager Lester Romeo Malana na kararating lang ng isang barko na may kargang 500,000 sako ng bigas.
Isu-suplay ito hindi lang sa Davao region kundi maging sa iba pang mga rehiyon.
Bukod dito, harvest season na rin aniya kaya marami na ang mabibiling bigas ng mga rice millers na siya namang ibebenta sa mga palengke.
Facebook Comments