TINUPOK | 3, sugatan sa sunog sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Sugatan ang tatlong indibidwal sa nangyaring sunog sa Happyland, Tondo, Maynila.

Pasado alas-12:00 kaninang tanghali nang magsimula ang sunog na umakyat lang sa ikalawang alarma.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Aida Tesoro, Rodel Tiparas at isang DJ Jerome Chelido.


Ayon sa Manila Fire Department – may dalawang bata rin ang napaulat na nawawala.

Ala-1:28 kaninang hapon nang ideklarang fire under control ang sunog.

Pero hindi pa man tuluyang naapula ang apoy, ilang residente na ang pumasok sa lugar para subukang magsalba ng mapapakinabangan pang mga gamit.

Hinala ng ilang residente – posibleng nagsimula ang apoy mula sa mga kapitbahay nilang nagpa-pot session sa lugar.

Facebook Comments